Bagyong Ineng lumabas na ng PAR, habagat patuloy na hihina

Nasa labas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Ineng at wala na itong direktang epekto sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Gayunpaman, patuloy nitong paiigtingin ang habagat, gayundin ang nagdaang bagyong Haikui (Hanna) at magdudulot ito ng pag-ulan sa Hilaga at Gitnang Luzon sa susunod na tatlong araw. Samantala, magdudulot din ang habagat ng may kalakasan na hangin sa Batanes at Ilocos Provinces. Inaasahan naman na patuloy na hihina ang epekto ng habagat sa bansa sa darating na mga araw.

Read more...