Sens. Tolentino, Estrada nangako ng tulong sa inabusong kasambahay

By Jan Escosio September 05, 2023 - 05:20 PM

OSFT PHOTO

Nangako sina Senators Francis Tolentino at Jinggoy Estrada na tutulungan ang kasambahay na minaltrato ng isang mag-anak.

Sa pagdinig kanina ng Senate Committee on Justice, inanunsiyo ni Estrada na siya ang sasagot sa lahat ng gastusin ni Elvira Vergara sa pagpapagamot at hinikayat niya ito na magpunta na sa  Philippine General Hospital (PGH).

Ang komite naman na pinamumunuan ni Tolentino ang bahala sa mga pagbiyahe ni Vergara sa ospital.

“Kayo na lang po ang hinihintay, nasa sa inyo na lang po yan kung kailan kayo pupunta sa PGH, naigawa na po lahat ng paraan dyan para maisaayos, tanggapin kayo. Na-refer na po kayo dun, at hinihintay na lang kayo para ma-assess ang condition ng mata ni Manang Elvie,” sabi ni Tolentino kay Vergara.

Labis na naapektuhan ang paningin ni Elvira dahil sa sinasabing pagmamaltrato sa kanya ng mag-asawang amo na sina Pablo at France Ruiz.

Ibinahagi ng dating kasambahay na iniuuntog siya ng among babae sa dingding o lababo sa tuwing siya ay nagkakamali.

Ipinaliwanag din sa komite ng mga doktor na sumuri kay Vergara ang mga tinamo nitong pinsala sa katawan.

“Sasagutin na po namin yung gastos kung kinakailangan pong operahan si Aling Elvie. Sasagutin na po namin yung operation. But kelangan nyo nang pumunta sa ospital…meron nang doctor na nakaabang sa inyo. Puntahan nyo na kahit mamaya,” sabi naman ni Estrada.

TAGS: abuso, Francis Tolentino, Jinggoy Estrada, kasambahay, Senate, abuso, Francis Tolentino, Jinggoy Estrada, kasambahay, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.