Tulad ng inaasahan, humina ang bagyong Ambo at naging isang low pressure area (LPA) na lamang.
Nag-landfall ito sa Dinalungan, Aurora, at huling namataan sa bisinidad ng lalawigan ng Quirino.
Inalis na ng PAGASA ang lahat ng Tropical Cyclone Warning Signals.
Gayunman, inaasahan pa rin itong magdadala ng katamtaman hanggang malakas na ulan na posibleng mag-sanhi ng flashfloods at landslides sa Northern at Central Luzon, pati na sa mga lalawigan ng Rizal at Quezon.
Mararanasan naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Cavite, Laguna at Batangas.
MOST READ
LATEST STORIES