Reelectionist barangay chairman sa Batangas, itinumba

By Jan Escosio September 05, 2023 - 02:12 PM

Patay ang isang barangay chairman sa Taal, Batangas matapos barilin ng riding-in-tandem killers kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Erasmo Hernandez, ng Barangay Poblacion.

Base sa paunang impormasyon, nasa rest area ng kanilang barangay hall alas-7:20 nang lapitan ng dalawang lalaking kapwa nakasuot ng helmet.

Pinagbabaril nila si Hernandez bago tumakas patungo sa direksyon ng bayan ng Sta. Teresita sakay ng itim ng motorsiklo.

Isinugod sa Lemery Doctors Hospital sa bayan ng Lemery ang biktima ngunit idineklara na itong walang buhay.

Inaalam na ang motibo sa pamamaslang kabilang na kung ito ay may kaugnayan sa papalapit na barangay election.

 

TAGS: barangay, chairman, riding in tandem, barangay, chairman, riding in tandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.