Bagyong Ambo, inaasahang tuluyang hihina mamaya

By Kathleen Betina Aenlle June 27, 2016 - 12:20 AM

 

pagasa amboInaasahang hihina na ang bagyong Ambo oras na mag-landfall ito sa Aurora, Lunes ng madaling araw.

Base sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 150 kilometro hilaga ng Baler, Aurora at gumagalaw ito patungo sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 28 kilometers per hour.

May taglay itong hangin na aabot sa 45 kilometers per hour.

Nananatiling nasa ilalim ng Public Storm Warning Signal number 1 ang Northern Quezon kabilang na ang Polilio Islands, Aurora, Quirino, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Southern Isabela at Ifugao.

Tinatayang makakaranas rin ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang mga nasa loob ng 200 kilometer diameter ng bagyo, tulad ng CALABARZON, Northern at Central Luzon, pati na ang Bicol Region.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.