MTRCB sinuspindi ng 12 araw ang “It’s Showtime”
Pinatawan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng 12 araw na suspensyon ang programang “It’s Showtime.”
Kasunod ito ng mga reklamong tinaggap ng ahensiya ukol sa sinasabing malaswang bahagi ng program na kinasasangkutan nina Vice Gand at Ion Perez.
Ang partikular na inireklamo ay napanood sa segment na “Isip Bata” noong Hulyo 25, kung saan napanood si Perez na dinidilaan ang icing sa isang cake at si Vice Gand naman ay dinidilaan din ang icing sa kanyang daliri.
Nabatid na idinulog sa Hearing and Adjudication Committee ng MTRCB ang mga reklamo alinsunod sa proseso.
Maari naman maghain ng motion for reconsideration ang kilalang noontime show 15 araw pagkatanggap ng suspension order.
Kapag naibasura ang kanilang mosyon, maari pa rin dumulog sa Office of the President (OP) ang mga tao na nasa likod ng programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.