Bago tumulak patungong Jakarta, Indonesia para dumalo sa 43rd Association of Southeast Asian Summit and Related Summits, pinulong muna ni Pangulong Marcos Jr. ang ilan sa kanyang mga opisyal sa Malakanyang. Partikular na tinalakay ang Executive order No. 39 na nagtatakda sa presyo ng regular milled rice sa P41 kada kilo at P45 sa kada kilo ng well-milled rice. Isa sa rekomendasyon ni Department of Trade and Industry (DTI) Asec. Dominic Tolentino Jr. na bigyang ayusa ang rice retailers, rice traders at magsasaka ng mga kooperatiba. Kabilang na ang pagbibigay ng pinansyal na ayuda sa mga retailers ng bigas sa mga wet markets at sari-sari store. Balak din ng pamahalaan na magbigay ng loan programs, logistics support gaya ng pagbibigay ng libreng transportasyon sa mga paghahalot ng bigas at iba pa, bukod pa sa pagsasagawa ng Kadiwa-Diskwento Caravan. Iprinisinta naman ni Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian ang livelihood assistance sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) sa small-scale rice retailers.