P1.20/L dagdag sa diesel, P0.50/L sa gasolina bukas

Muling magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga produktong-petrolyo bukas, Setyembre 5.

Nagpalabas na ng abiso ang ilang kompaniya ng langis ukol sa karagdagang P1.20 kada litro sa presyo ng diesel, P0.50 sa gasolina at P1.10 sa kada litro ng kerosene.

Kabilang na sa nag-abiso sa panibagong oil price hike ang Shell Pilipinas Corp., Cleanfuel, Seaoil, PetroGazz at Chevron Philippines.

Inaasahan naman na susunod na mag-aanunsiyo ng paggalaw ng mga presyo ang ibang kompaniya ng langis.

Ito ang ika-siyam na linggo ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo simula noong Hulyo.

Bunsod ito ng paggalaw sa presyo sa pandaigdigang-pamilihan at pagbaba ng halaga ng piso kontra sa dolyar, bukod pa sa pinangangambahang pagpapalawig ng pagbawas sa produksyon ng langis ng  Organization of the Petroleum Exporting Countries+ (OPEC+).

 

 

Read more...