Flood warning sa Pasig-Marikina River at Tullahan River inilabas
Naglabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng “flood warning” sa Pasig-Marikina at Tullahan river basins dahil sa posibleng malakas na pag-ulan dulot ng habagat.
Alas-8 kanina nang ilabas ng PAGASA ang abiso dahil inaasahan ang pag-ulan sa naturang river basins hanggang sa susunod na 24 oras.
Sakop ng abiso ang dinadaluyan ng tubig mula sa dalawang ilog kasama na ang Upper Marikina River—Rodriguez, Antipolo, at San Mateo sa Rizal, Quezon City, at Marikina City; Lower Marikina River—Pasig City at Mandaluyong City; Pasig River—Pasig City, Makati City, Mandaluyong City, at Manila; Tullahan River—Quezon City, Caloocan City, Malabon City, Navotas City, at Valenzuela City; Mango River—Rodriguez, Rizal; Nangka River—Marikina City, at San Mateo at Antipolo sa Rizal; at San Juan River—Quezon City, San Juan, at Manila.
Ang mga nakatira malapit sa mababang bahagi ng mga nabanggit na lugar ay inabisuhan ng ibayong pag-iingat.
Posible rin ang pagbaha sa iba pang lugar dahil naman sa mga baradong drainage system.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.