Bagyong Ambo, bumilis ang galaw, inaasahang lalabas ng PAR sa Martes

 

Bumilis ang galaw ng bagyong Ambo habang papalapit ang pag-landfall sa lalawigan ng Aurora.

Sa 5PM weather bulletin na inilabas ng PAGASA, bumilis ang galaw ng Bagyong Ambo sa 22 kilometers per hour sa direksyon na west northwest.

May taglay itong hangin na 45 KPH at matatagpuan 140 kilometers northeast ng Virac, Catanduanes.

Ayon kay Pagasa weather forecaster Aldczar Aurelio, dahil sa kasalukuyang bilis ng bagyong Ambo, posible itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR sa Martes.

Inaasahan rin na hihina ito kapag nag-landfall na sa Aurora bukas ng umaga.

Dahil dito, itinaas ng PAGSA ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Catanduanes, Camarines Norte, Northern Quezon, kabilang na ang Polillo Islands, Aurora, at Quirino.

Sinabi rin ng weather bureau na asahan na ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Northern at Central Luzon, Calabarzon, at sa Bicol Region.

Read more...