Pinahalagahan ng husto ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagkakapanalo ng Gilas Pilipinas laban sa koponan ng China sa FIBA World Cup noong nakaraang Sabado.
Ayon sa senador, nakakatiyak siya na tumaas ang morale ng bawat Filipino nang ilampaso ng Pilipinas ang China dahil na rin sa mga hamon at isyu na may kaugnayan sa pag-aagawan sa West Philippine Sea (WPS).
Kasabay nito, pinapurihan ni Go ang Gilas Pilipinas dahil hindi binigo ang sambayanang Filipino, kahit isang panalo lamang ang nasungkit sa torneo.
“Malungkot man na hindi tayo nag-qualify sa Olympics, hindi pa rin binigo ng Gilas ang home crowd at naipakita ang kanilang potensyal para sa mga susunod pang mga kompetisyon,” sambit ni Go.
Samantala, dinipensahan naman ni Sen. Francis Tolentino ang ilang kapwa senador na nagsuot ng t-shirt na may markang “West Philippine Sea” nang manood sa laban ng Pilipinas at China.
Ayon kay Tolentino ang ginawa ng mga kapwa senador ay maituturing na “freedom of expression.”