Pagpapa-unlad at proteksyon sa industriya ng niyog sa bansa iniapila ni Villar

By Jan Escosio September 04, 2023 - 09:36 AM

FILE PHOTO

Muling ipinanawagan ni Senator Cynthia Villar ang ibayong pagpapa-unlad at proteksyon ng industriya ng niyog sa bansa.

Hinikayat nito ang mga kinauukulang ahensiya na bantayan ang pagpapatupad ng isinulong niyang RA 11524 o ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act na naging epektibo dalawang taon na ang nakakalipas.

Paliwanag ng namumuno sa Senate Committee on Agriculture layon ng batas ang pagkakaroon ng maayos na benepisyo at pagpapataas ng kita ng coconut farmers.

Inilatag din aniya sa batas ang paghahanda sa Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) na magbibigay ng direksyon at polisiya sa pag-unlad at rehabilitasyon ng coconut industry sa loob ng 50 taon.

Dagdag pa ni Villar marami pa ring kinahaharap na hamon ang industriya sa kabila ng gumagandang export.

Aniya kabilang na dito ang pagbaba ng presyo ng niyog sa pandaigdigang merkado, mababang produksyon, peste at epekto ng climate change.

 

 

TAGS: Export, farmers, niyog, Villar, Export, farmers, niyog, Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.