Metro Manila LGUs nagsuspindi ng mga klase dahil sa pag-ulan

By Jan Escosio September 04, 2023 - 09:20 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Dahil sa patuloy na malakas na buhos ng ulan, nagdeklara ang mga pamahalaang-lungsod ng of Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (Camanava) at Quezon ng suspensyon ng mga klase ngayon araw.

Sinuspindi ang mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga nabanggit na lungsod.

Gayundin ang San Juan City, Quezon City at Marikina local government units (LGUs).

Pasado alas-8 na nang magdeklara ng suspensyon ng mga klase si Manila Mayor Honey Lacuna bunsod ng yellow rainfall warning ng PAGASA.

Inanunsiyo naman pasado alas-9 ng pamahalaang-lungsod ng Muntinlupa ang pagkansela sa mga panghapon na klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan.

 

TAGS: LGUs, Metro Manila, ulan, LGUs, Metro Manila, ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.