Bagyong Hanna nakalabas na ng PAR; habagat magpapaulan

Inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na alas-8 ngayon umaga ay nakalabas na ng Philippine area of Responsibility ang bagyong Hanna.

Magpapalabas ang ahensiya ng final bulletin ukol sa bagyo mamamayang alas-11 ng tanghali.

Samantala, dahil sa pagpapaigting ng bagyo sa habagat, tatlong araw na uulanin ang kanlurang bahagi ng Luzon at Antique.

Makakaranas naman ng may kalakasan na hangin ngayon araw ang Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, timog bahagi ng Aurora, Zambales, Bataan, Bulacan, Metro Manila, Occidental Mindoro, Romblon, Marinduque, the northern portion of Palawan including Calamian, Kalayaan, and Cuyo Islands, malaking bahagi ng Calabarzon , Bicol Region, at Western Visayas.

Bukas hind magbabago ang panahon sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Abra, Benguet, Nueva Vizcaya, timog bahagi ng Aurora, Zambales, Bataan, Bulacan, Metro Manila, Occidental Mindoro, Romblon, Marinduque, Kalayaan Islands, Camarines Provinces, at malaking bahagi ng Calabarzon.

At sa Miyerkules, ito ang mararanasan na lamang sa Batanes, Ilocos Norte, hilagang bahagi ng Pangasinan, at Kalayaan Islands

Read more...