Pumalo na sa mahigit 1.1 milyon ang kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30.
Ayon sa Comelec, sa naturang bilang, 65.75 percent o 776,781 ang mga lalaki habang 34.25 percent o 404,623 ang mga babae.
Nasa 85,796 ang tumatakbong barangay chairman habang nasa 639,209 ang kakandidato sa pagkakonsehal.
Nasa 75,434 naman ang kakandidato bilang SK Chairman habang 215,630 ang kakandidato bilang SK members.
Nasa 672,016 na posisyon ang pupunan sa Barangay at SK elections.
Nagsimula ang filing ng certificate of candidacy noong Agosto 28 at tatagal hanggang ngayong araw, Setyembre 2.
Pero dahil sa mga nagdaang bagyo at masamang lagay ng panahon, pinalawig ng Comelec ang filing ng COC sa ilang lugar.
Sabi ng Comelec, hanggang Setyembre 4 tatagal ang filing ng COC sa Abra.
Hanggang bukas, Setyembre 3 naman ang filing ng COC sa Ilocos Norte.