Target collection ng BOC sa buwan ng Agosto nalagpasan
Nalagpasan ng Bureau of Customs ang target collection na P72.275 bilyon para sa buwan ng Agosto.
Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, pumalo sa P75.642 bilyon ang nakolektang buwas ng kanilang hanay. Mas mataas ito ng 4.7 percent o P3.367 bilyon.
Base sa talaan ng BOC mula Enero hanggang Agosto 2023, nasa P582.133 bilyon na ang nakolektang buwis. Mas mataas ito ng 2.54 percent o P23.678 bilyon kumpara sa target na P567.740 bilyon sa kaparehong buwan noong 2022.
“The impressive collection performance of the BOC can be attributed to efficient customs operations, enhanced trade activities, and robust revenue collection measures,” pahayag ni Rubio.
Nagpapasalamat si Rubio sa mga tauhan ng BOC.
“We will continue to monitor trade activities and implement measures to sustain this positive momentum in revenue collection, as part of the Bureau’s collaborative effort in further strengthening the nation’s financial standing,” pahayag ni Rubio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.