Batanes nasa Signal No.1 dahil sa Bagyong Hanna

 

 

Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes.

Ito ay dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Hanna.

Ayon sa PAGASA, kumikilos ang bagyo sa kanlurang direksyon patungo sa Sea East of Taiwan.

Namataan ang sentro ng bagyo sa 520 kilometro silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay ng bagyo ang hangin na 120 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso na 150 kilometro kada oras at may central pressure na 975 hPa.

Palalakasin naman ng Bagyong Hanna at dalawa pang bagyo na nasal abas ng Philippine Area of Responsibility ang Southwest Monsoon na magpapaulan sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

 

Read more...