Gatchalian gigisahin ang DepEd sa mga bakanteng teaching positions
By Jan Escosio September 01, 2023 - 04:27 PM
Inanunsiyo ni Senator Sherwin Gatchalian na uusisain niya ang mga nananatiling bakenteng posisyon sa Department of Education (DepEd).
Gagawin aniya ito sa deliberasyon sa Senado sa 2024 budget ng kagawaran.
Isa sa kanyang bubusisiin ay ang taon-taon na lamang na isyu sa pagkuha ng mga bagong guro.
Pagbabahagi ni Gatchalian na base sa datos mula sa Department of Budget and Management (DBM) hanggang noong nakaraang Pebrero 17, may 24,254 bakanteng teaching positions at katumbas ito ng halos tatlong porsiyento ng 879,789 teaching positions.
Una nang ikinatuwiran ng DepEd na sa pagkuha ng mga bagong kawani, kailangan nila ang DBM at Civil Service Commission (CSC) at inaabot ito ng hanggang anim na buwan.
Noong 2022, may P32.6 bilyon sa pondo ng kagawaran ang hindi nagamit.
Nabatid na mayroon din klase mula Kindergarten hanggang Senior High School ang walang guro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.