August inflation rate posibleng mas mataas – BSP
By Jan Escosio September 01, 2023 - 03:55 PM
Inaasahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mas mataas ang maitatalang inflation rate sa bansa.
Sinabi ng BSP na maaring nasa pagitan ng 4.8% at 5.6% ang inflation rate noong nakaraang buwan.
Bunga ito ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, partikular na ang mga pagkain dulot ng bigas at iba pang produktong agrikultural bunga ng nagdaang kalamidad.
Bukod dito ang mataas na halaga ng mga produktong-petrolyo na nagkasunod-sunod sa buong buwan ng Agosto.
Makakaapekto din sa mabilis na inflation ang paghina ng halaga ng piso kontra sa dolyar ng Amerika.
Noong nakaraang Hulyo naitala ang 4.7% inflation sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.