Marcos sa publiko: Isumbong ang mga retailers na hindi sumusunod sa price cap sa bigas
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang publiko na ipagbigay alam sa mga kinauukulan ang mga negosyante, retailers o nagtitinda ng bigas na hindi sumusunod sa itinakdang presyo ng pamahalaan.
Sa panayam kay Pangulong Marcos sa Palawan, sinabi nito na dapat na dapat na dumulog sa pulis o sa Department of Agriculture kapag mayroong nalaman na may mga negosyante o tindero ang nagsasamantala sa presyo ng bigas.
“I would encourage everyone who finds that someone, or a retailer is selling, at above the price ceiling, i-report po ninyo. Report niyo sa pulis, i-report niyo sa DA doon sa lugar ninyo, i-report niyo sa local government para matingnan namin at tiyakin na hindi lalampas sa ating presyo na ating linagay na P40 at P44,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Batay sa Executive Order No. 39 na inaprubahan ni Pangulong Marcos, nasa P41 lamang kada kilo ang presyo ng regular milled rice habang ang mandated price cap para sa well-milled rice ay nasa P45 kada kilo.
“Now the main, the real problem is in the NCR, it’s not so bad outside of Manila, Metro Manila, that’s why maybe we will be focusing our efforts here in Metro Manila,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“We have put together a structure for the continuing monitoring, this will include, essentially the lead agencies on this are the DILG, DA, DTI, DOJ as well, more or less those will be the agencies that will be—because all of those agencies already have regular inspections when it comes to other issues, so they will now apply the price ceilings that I have ordered in the EO I signed yesterday so that, to make sure the prices stay within the limits we have prescribed,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.