
Hindi bababa sa tatlumpu ang nasawi matapos magliyab ang isang tour bus sa Hunan Province, China, Linggo ng umaga.
Batay sa local authorities doon, naganap ang aksidente pasado 10:20 ng umaga, habang lulan ng tour bus ang nasa limampu’t anim na indibidwal.
Bumangga umano ang bus sa guardrails, sa highway ng Yizhang County.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang oil leak mula sa bus ang pinagmulan ng sunog.
Nasa dalawampu’t isang tao ang isinugod sa ospital, habang nagsagawa pa ng search operations ang rescuers sa natupok na bus.
Samantala, ikinulong na ang mga otoridad ang drayber ng tour bus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.