Rebelde sa Palawan burado na

By Chona Yu September 01, 2023 - 12:06 PM

 

 

Insurgency free na ang Palawan.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month sa Palawan.

Kumbinsido si Pangulong Marcos na epektibo ang pagtutulungan ng national government at mga lokal na pamahalaan sa prosesong pangkapayapaan.

Sabi ni Pangulong Marcos, kaya namumundok at nakikibaka ang mga rebelde dahil sa kawalan ng pag-asa at pinababayaan ng pamahalaan.

Pero nabago na aniya ang kaisipang ito dahil sa hatid na serbisyo, imprastraktura at oportunidad na ibinibigay ng pamahalaan sa mga rebelde.

Sabi ni Pangulong Marcos, dahil sa mga oportunidad, maraming rebelde na ang nagbalik loob sa pamahalaan.

Nararamdaman na kasi aniya ng mga rebelde ang malasakit hindi lamang ng pamahalaan kundi maging ng lokal na komunidad na handang suportahan ang kanilang buhay.

Kumpiyansa si Pangulong Marcos na magiging madali na ang usapan tungo sa kapayapaan para sa mga natitirang lugar na mayroong rebelde dahil nakikita nila gumaganda na ang lagay ng buhay ng mga dating kasamahan sa armadong grupo.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., insurgency, news, Palawan, Radyo Inquirer, rebelde, Ferdinand Marcos Jr., insurgency, news, Palawan, Radyo Inquirer, rebelde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.