Marijuana plantations sa Kalinga buking sa PDEA
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Aabot sa P6.3 milyong halaga ng marijuana ang winasak ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Tinglayan, Kalinga.
Dakong ala-1 ng hapon kahapon nang madiskubre ang dalawang plantasyon ng marijuana sa Barangay Ngibat, sa naturang bayan.
Sa ulat kay PDEA Dir. Gen. Moro Lazo aabot sa 3,150 square meters ang tinaniman ng 31,500 fully grown marijuana plants.
Wala naman nahuli na cultivator o caretaker sa dalawang plantasyon sa pagkasa ng Oplan Smokelandia.
Nagsanib puwersa ang mga ahente ng PDEA sa Batanes, Quirino at Kalinga sa pagsagawa ng operasyon.