Marijuana plantations sa Kalinga buking sa PDEA

By Jan Escosio September 01, 2023 - 11:53 AM
Aabot sa P6.3 milyong halaga ng marijuana ang winasak ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Tinglayan, Kalinga. Dakong ala-1 ng hapon kahapon nang madiskubre ang dalawang plantasyon ng marijuana sa Barangay Ngibat, sa naturang bayan. Sa ulat kay PDEA Dir. Gen. Moro Lazo aabot sa 3,150 square meters ang tinaniman ng 31,500 fully grown marijuana plants. Wala naman nahuli na cultivator o caretaker sa dalawang plantasyon sa pagkasa ng Oplan Smokelandia. Nagsanib puwersa ang mga ahente ng PDEA sa Batanes, Quirino at Kalinga sa pagsagawa ng operasyon.

TAGS: Kalinga, Marijuana, news, PDEA, Radyo Inquirer, Kalinga, Marijuana, news, PDEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.