Labor chief Laguesma ibibigay ang legislated wage hike
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Kinikilala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mandato at awtoridad ng Kongreso sa usapin ng pagsusulong ng legislated wage hike.Ayon kay Labor Sec. Bienvenido Laguesma walang magagawa ang ehekutibo kung may maipasang batas sa Kongreso ukol sa taas-sahod at aniya susunod sila at bahala na kung ano ang mga maaring mangyari.Ito ang mga isinagot ng kalihim nang hingiin ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang kanyang opinyon ukol sa isinusulong ng ilang senador na legislated wage hike.Ipinaalala na rin lang ni Pimentel na walang makakapigil sa mga senador kung isulong ang legislated national minimum wage kung hindi sila kuntento sa regional minimum wages na inaaprubahan ng DOLE.Nangako na si Senate President Juan Miguel Zubiri na pipilitin na maipasa ang legislated wage hike bill bago ang pagtatapos ng taon bagamat hindi ito kabilang sa priority bills ng administrasyon.Humarap si Laguesma sa Senate Committee on Finance para sa hinihingi ng DOLE na P39.596 bilyon na pondo para sa susunod na taon.