Price ceilings sa bigas sa buong bansa, itinakda ni Pangulong Marcos

 

Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo, nagtakda na ng price ceilings sa bigas sa buong bansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay para matiyak na reasonable at accessible ang presyo sa gitna ng nakaalarmang pagtaas sa retail price ng bigas sa mga palengke.

Batay sa Executive Order No. 39 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang Agosto 31, nasa P41 lamang kada kilo ang presyo ng regular milled rice habang ang mandated price cap para sa well-milled rice ay nasa P45 kada kilo.

Mananatili ang implementasyon nito maliban na lang kung babawiin ni Pangulong Marcos ang naging rekomendasyon ng Price Coordinating Council ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry.

Base sa monitoring ng DA, nasa P42 hanggang P55 ang presyo ng local regular milled rice kada kilo sa mga palengke sa National Capital Region habang nasa P48 hanggang P56 naman ang presyo ng local well-milled rice kada kilo.

 

 

 

Read more...