Suspendido ang klase ngayong araw, Setyembre 1 sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong eskwelahan pati na ang trabaho sa National Capital Region.
Ito ay dahil sa Southwest Monsoon, Bagyong Goring at Bagyong Hanna.
Base sa Memorandum Circular No.30 na inilabas ng Palasyo ng Malakanyang, walang pasok sa eskwela at trabaho sa NCR.
Pero may pasok naman ang mga tanggapan ng pamahalaan na may kinalaman sa paghahatid ng basic at health services , preparedness/response to disasters at calamities, at iba pa.
Ipinauubaya naman ng Palasyo ng Malakanyang sa pribadong sektor ang pasususpendi sa trabaho.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang memorandum kahapon, Agosto 31.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.