Napanatili ng Severe Tropical Storm Hanna ang lakas habang tiinatahak ang Philippine Sea.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng bagyo sa 870 silangan ng Extreme Northern Luzon.
Kumikilos ang bagyo sa kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang hangin na 110 kilometro kada oras at pagbugso na 135 kilometro kada oras.
Wala pa namang itinataas na Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA.
Ayon sa PAGASA, dahil sa Southwest Monsoon na pinalakas ng Hanna at dalawa pang bagyo na Typhoon Saola o dating Bagyong Goring at Severe Tropical Storm Kirogi, makararanas ng panaka-nakang pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.