Dalawang vintage bombs, nahukay ng mga bata sa ilog ng Rizal

Photo c/o Pol Manlapaz
Photo c/o Pol Manlapaz

Dalawang vintage bombs ang hindi sinasadyang nahukay ng mga batang nangunguha lamang ng tulya sa ilog sa pagitan ng Barangay Bagong Silangan, Quezon City at ng Banaba, San Mateo, Rizal.

Ayon kay Jie Bolana, ex-official ng Bagong Silangan, nakita niya ang dalawang bata na may bitbit ng mga bomba.

Inosente umanong nilalalaro ng mga bata ang mga bomba dahil ang akala nila ay bakal lamang ang mga iyon.

Sinabi ni Bolana na sinita niya ang mga bata na huwag iwagayway ang vintage bombs dahil sa sandaling bumagsak ang mga iyon sa semento at tumama ang unang nguso ay maaaring magkaroon ng malakas na pagsabog.

Ayon naman sa Bomb Squad na pinatawag ni Bolana mula sa Camp Crame, ang nasabing mga bomba ay noong panahon pa ng mga Hapon.

Posible ring sumabog ang mga vintage bomb dahil ang fuse ay nanatiling intact sa dulong nguso ng mga bomba.

Sa ngayon ang mga nasabing bomba ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad upang alisin ang mga fuse para hindi na makapaminsala.

Read more...