Taguig LGU namahagi ng cash gifts sa “EMBO” senior citizens
Umabot sa 270 senior citizens sa 10 “EMBO” barangays ang unang nabiyayaan ng birthday cash gift mula sa pamahalaang-lungsod ng Taguig.
Nabatid na ang mga nasa edad 60 – 69 ay tumanggap ng P3,000; P5,000 naman sa 80-89 anyos at P10,000 sa mga may edad 90 hanggang 99.
Kapag umabot sila sa edad na 100 tatanggap sila ng P100,000 kada taon hanggang sila ay nabubuhay.
Pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano ang pamamahagi ng cash gift sa mga senior citizen ng Barangay Pembo at door-to-door na ang naging pamamahagi sa iba pang barangays.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga senior citizen at sinabing ito ang unang pagkakatataon na nakatanggap sila ng cash gift mula sa lokal na pamahalaan.
Pinagsumikapan ng pamahalaang-lungsod na mailista ang lahat ng senior citizens sa 10 barangay na nailipat sa pangangasiwa mula sa Makati City.
“Kahit po mano mano ang pagkalap ng ating datos, hindi na namin ipinagpabukas ang pagkakaloob ng birthday cash gift sa ating mga senior citizen. ng araw po na ito ay patunay na mayroong programa ang City of Taguig para sa ating mga senior citizens. Sa Taguig ang naging programa po natin, pag sumasapit ang kaarawan ng ating mga senior citizen, according to the age bracket, financial assistance po yung binibigay natin,” ani Cayetano.
Kasabay nito, nagtalaga ng one-stop shop para sa aplikasyon sa iba pang benepisyo gaya ng medical assistance, burial assistance, tulong para sa persons with disabilities, at maging scholarships.
Isinasagawa sa Taguig City ang house-to-house delivery ng maintenance medicines para sa diabetes, hypertension, at asthma.
Noong 2019 binuksan sa lungsod ang 5-story Center for the Elderly, isang wellness hub para sa senior citizens na may therapy pool, sauna, gym/yoga/ballroom area, massage room, cinema, rooftop garden, recreational area, at clinic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.