20 bahay, tinupok ng apoy sa Cebu City

By Mariel Cruz June 26, 2016 - 02:27 PM

cebu cityHindi bababa sa dalawampung bahay ang tinupok ng apoy habang walong iba pa ang napinsala sa naganap na sunog sa isang residential area sa Cebu City.

Ayon kay FO1 Grace Colina ng Cebu City Fire Station, hanggang ngayon ay inaalam pa rin nila ang naging sanhi ng sunog na naganap kaninang 1:53 ng madaling araw.

Nagsimula aniya ang nasabing sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Efren Coyoca sa Sitio Upper Lomar, Barangay Lorega San Miguel.

Agad itong kumalat sa mga katabing bahay na pawang mga gawa sa light materials.

Nabatid na tumagal ng tatlong oras ang sunog bago pa ito tuluyang maideklarang under control.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.