Retired uniformed personnel hindi apektado sa reporma sa pension system

By Jan Escosio August 31, 2023 - 04:52 PM

INQUIRER PHOTO

Tiniyak ng  Department of Finance (DOF) na hindi maaapektuhan ang mga retired uniform personnel sa isinusulong na reporma sa pension system sa bansa.

Paliwanag ni Finance Usec. Cielo Magno isa mga nakasaad sa panukala ng kagawaran ay mapanatili ang kasalukuyang  “military and uniformed personnel (MUP) pensions.”

Ito ay katiyakan na hindi mababawasan ang kanilang tinatanggap ng mga benepisyo, pahayag ni Magno sa Pandesal Forum sa Quezon City.

Aniya ang intensyon naman ng  pension reform bill ay makapagtaguyod ng epektibong sistema para sa pensyon ng mga kasalukuyang nasa serbisyo, upang hindi na ito paglaanan pa ng pondo ng gobyerno sa hinaharap.

Sa ngayon walang kontribusyon para sa pensyon ng mga nasa serbisyo kayat ang kanilang retirement benefits ay huhugutin sa bulsa ng gobyerno.

 

 

TAGS: AFP, BFP, BJMP, Pension, PNP, AFP, BFP, BJMP, Pension, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.