Klase, trabaho sa mga ahensiya ng gobyerno sinuspindi ng Palasyo
Bunga ng patuloy na pag-ulan na dulot ng habagat, na pinaigting ng super bagyong Goring at bagong bagyong Hanna, sinuspindi ngayon alas-3 ng hapon ang paso sa mga tanggapan at ahensiya ng gobyerno.
Nakasaad din sa Memorandum Circular No. 29 na inilabas ng Office of the President, na suspindido na rin ang mga klase sa lahat ng antas.
Base ang hakbang sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ngunit magpapatuloy ang operasyon ng mga ahensiya na mandato ang magbigay at maghatid ng tulong, rumesponde sa kalamidad at mahahalagang gawain.
Samantala, ang suspensyon o pagpapatuloy ng mga trabaho naman sa pribadong sektor ay depende sa pamunuan ng kompaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.