Iniulat ng Commission on Audit (COA) na 455 porsiyento ang pagtaas sa bilang ng security positions sa Vice-Presidential Security and Protection Group (VPSPG) noong nakaraang taon.
Ito ay mula sa 78 posisyon noong termino ni dating Vice President Leni Robredo.
Noong 2021, may 128 non-plantilla personnel o job order employees sa OVP; 101 contract of service employees; 78 military detailed personnel at 24 consultants, samantalang sa mga plantilla personnel, 89 ang co-terminus, 83 permanent, 22 contractual, pitong casual at dalawang Presidential appointees.
Noong nakaraang taon sa pag-upo ni Vice President Sara Duterte, may 174 filled-up plantilla positions at 509 non-plantilla / detailed personnel.
Napuna ng COA na sa non-plantilla personnel, sa VSPG may pinakamarami sa bilang na 433 at 70 contract of service employees.