15 katao patay sa sunog sa QC printing shop

By Chona Yu August 31, 2023 - 10:55 AM

Labinlimang katao, kabilang ang isang bata, ang nasawi sa sunog na naganap sa isang residential area sa Barangay Tandanong Sora, Quezon City kaninang madaling araw.

Base sa paunang impormasyon, ala-5:30 nang sumiklab ang sunog  sa t-shirt printing shop sa Kennedy St., Pleasant View Subdivision.

At agad itong kumalat sa isang dalawang palapag na gusali, bago nadamay na ang isa pang gusali sa likurang bahagi ng compound.

Nagdeklara ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng “fire under control” ala-6:28 ng umaga at alas-8:04 nang ideklara ang “fire out.”

Kasunod nito ang pagsasagawa ng “mopping up operation” ng mga bumbero at dito ay nadetermina na 15 ang namatay.

Inaalam pa ang ugat ng sunog, gayundin ang halaga ng pinsala.

Nabatid na tanging barangay permit lamang ang ginagamit sa negosyo, na dating pagawaan ng face mask.

Sinabi naman ni Punong Barangay Marlou Ulanday minamadali sa establismento ang pag-imprenta ng FIBA World Cup t-shirts.

TAGS: BFP, QC, sunog, BFP, QC, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.