LPA, isa nang bagyo – tatawaging “Ambo”

By Isa Avendaño-Umali June 26, 2016 - 01:21 PM

pagasa-logo-298x224Pitong lalawigan ang isinailalim sa public storm warning signals matapos maging ganap na tropical depression ang low pressure area sa namataan sa East ng Borongan City.

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay tatawaging ‘Ambo’, na kauna-unahang tropical cyclone sa Pilipinas ngayong 2016.

Sinabi ni Aldczar Aurelio, weather forecaster ng PAGASA, namataan ang Bagyong Ambo sa 182 kilometers East ng Virac, Catanduanes, na may lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna, at inaasahang gagalaw patungong West Northwest sa 19 kph.

Kung mapapanatili aniya ang bilis at paggalaw nito, ang Bagyong Ambo ay magla-landfall sa Aurora province bukas (araw ng Lunes), pero hihina ito bago ang mag-landfall.

Kabilang sa mga probinsya na nasa public storm warning signal number 1 ay ang Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Northern Quezon kasama na ang Polillo Islands, Aurora at Quirino.

Inaabisuhan ang mga residente sa mga naturang lugar na asahan na ang pag-ulan at malakas na hangin.

Ngayong araw naman ng Linggo, magsisimula nang makaranas ng malakas na ulan sa bahagi ng Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region.

Hindi naman nag-isyu ang PAGASA ng gale warning, ibig sabihin, ligtas pa rin sa mga mangingisda na pumalaot sa karagatan.

 

TAGS: Bagyong Ambo, Bagyong Ambo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.