DOJ pinigil ang pagkasa ng revised travel rules

Pansamantalang sinuspindi ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapatupad ng bagong rebisang travel guidelines ng Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Ang hakbang ay bunsod ng pag-alma ng mga mambabatas at publiko sa katuwiran na maituturing na itong panggigipit sa kanilang karapatan na makapag-biyahe.

Ang “revised travel guidelines” ay eksklusibo para lamang sa mga Filipino at hindi sakop ang mga banyaga.

Unang inihayag ng IACAT at Bureau of Immigration na ang hakbang ay para matuldukan ang human trafficking.

Ayon sa mga kontra, dagdag-pahirap lamang sa pagbiyahe ang mga bagong alintuntunin.

 

Read more...