Pasok sa mga eskuwelahan sa ilang lungsod sa Metro Manila, sinuspindi

By Chona Yu August 31, 2023 - 09:09 AM
Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan ngayong araw ng  sa Caloocan City dahil sa masamang lagay ng panahon. Ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan, ang  kanselasyon ng klase ay batay sa rekomendasyon ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO). Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatiling alerto. Ayon pa sa Caloocan City, maaring tumawag sa hotline ng Alert and Monitoring Operations Center na (02) 888-ALONG (25664) para sa agarang pangangailangan ng tulong. Samantala, nagdeklara na rin ang pamahalaang-lungsod ng Maynila na walang pasok sa mga eskuwelahan, pampubliko at pribado. Pinakilos na rin ni Mayor Honey Lacuna ang Oplan Libreng Sakay para sa mga stranded na pasahero dahil maraming kalsada sa lungsod ang lubog sa tubig-baha. Samanatala, wala din pasok sa ilang eskuwelahan sa Quezon City dahil sa malakas na pag-ulan. Kabilang sa mga eskwelahan na walang pasok ang Betty Go Elementary School. Brgy. Bagong Silangan (Morning Class), Brgy. Batasan Hills, Brgy. Payatas ( Pre-school hanggang Senior High School), Brgy. Holy Spirit, Brgy. New Era, at Bgy. Tandang Sora. Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas, pre-school hanggang kolehiyo sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa Navotas City, gayundin sa Pasay City, Muntinlupa City, Taguig City at Pateros.

TAGS: caloocan city, classes, suspension, caloocan city, classes, suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.