Special election para sa puwesto ni ex-Rep. Arnie Teves itinakda sa Disyembre 9

By Jan Escosio August 30, 2023 - 06:21 PM

FILE PHOTO

Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec)  na itinakda sa darating na Disyembre 9 ang special elections para sa magiging kapalit ni  Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Magugunita na pinatalsik noong Agosto 16  sa Kamara si Teves ng mayorya sa mga kapwa niya mambabatas dahil sa patuloy na pagliban.

Naging dahilan din ng pagsipa sa kanya sa Kamara ang kanyang kahilingan ng “political asylum” sa Timor-Leste.

Patuloy na pinagsusupetsahan si Teves na may kinalaman sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Ipinagharap siya ng ilang kaso ng pagpatay, kasama na ang kay Degamo bagamat itinanggi niya na may kinalaman siya sa pangyayari.

Hindi na nagbalik ng Pilipinas si Teves simula noong Pebrero, kung kailan pinayagan siya na lumabas ng bansa para sumailalim sa “medical procedure” sa US.

 

 

 

TAGS: comelec, Negros Oriental, special election, teves, comelec, Negros Oriental, special election, teves

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.