Comelec: Higit .5 milyon sasabak sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections

TAGUIG LGU PHOTO

Umabot na sa 530,0449 ang naghain ng certificate of candidacy (COC) para sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesman Atty. John Rex Laudiangco, naitala ang bilang mula Agosto 28 hanggang 29.

Nagsimula ang paghahain ng COC noong Lunes, Agosto 28 at tatagal ng hanggang  sa Sabado, Setyembre 2.

Nasa 672,000 na puwesto ang pupunan ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa naturang bilang, 42,027 ang para sa kapitan ng barangay, 294, 189 para sa mga Sangguniang Barangay, 42, 027 sa mga SK chairman at 294,189 sa mga SK members.

Read more...