QCPD Chief Torre bumitiw dahil sa “road rage suspect” presscon

August 30, 2023 - 05:35 PM

INQUIRER PHOTO

Nagbitiw si Police Brigadier General Nicolas Torre III bilang director ng Quezon City Police District (QCPD) matapos tumanggap ng mga batikos nang humarap sa press conference kasama ang dating pulis na nasangkot sa “road rage incident.”

Sinabi ni Torre III na isinumite niya kanina ang kanyang resignation letter at magiging epektibo ang kanyang pagbibitiw bukas, Agosto 31.

Noong nakaraang araw ng Linggo matapos maging viral sa social media ang video nang pagharap ni Wilfredo Gonzales sa isang siklista, kasama niyang humarap si Torre III.

Bago pa ito, may panawagan na si Torre III kay Gonzales, na noon ay hindi pa nakikilala, na sumuko na sa mga awtoridad.

Binatikos si Torre III sa kanyang ginawa sa pagsasabing tila itinuring pa nitong “VIP” si Gonzales.

Humingi naman ng paumanhin ang opisyal sa kanyang ginawa.

Ayon naman kay PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo, personal na desisyon ni Torre III ang pagbibitiw sa puwesto.

 

 

TAGS: press conference, resignation, suspect, VIP, press conference, resignation, suspect, VIP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.