Kaibigan ni Jemboy Baltazar lumutang sa Senate hearing

By Jan Escosio August 30, 2023 - 05:13 PM

INQUIRER PHOTO

Humarap sa imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order ang kaibigan ni Jemboy Baltazat, ang 17-anyos na napatay ng mga pulis-Navotas.

Kasama ni Baltazar si alias Sonny Boy nang maganap ang insidente habang sila ay naghahanda upang mangisda.

Kuwento  ni Sonny Boy, pinuntahan siya sa bahay at niyaya siya ni Jemboy na pumalaot at dakong ala-1 ng hapon habang sila ay naglilinis ng bangka nang makarinig sila ng putok ng baril.

Aniya nakita niya si Police SSgt. Gerry Maliban na nakatutok ang baril sa kanila at inutusan na lumabas.

Sa kanilang paglabas ay pinagbabaril na sila at may tama na ng bala ang kaibigan nang tumalon ito sa tubig.

Dagdag pa ni Sonny Boy na walang pagbababala sa kanila ang mga pulis nang sila ay pagbabarilin.

 

 

TAGS: Murder, navotas, police, senate hearing, Murder, navotas, police, senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.