Complete package ang gagawing rehabilitasyon sa Pasig River, ayon kay Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar.
Ani Acuzar mismong si First Lady Liza Marcos ang nakatutok sa rehabilitasyon.
Paliwanag ng kalihim dahil magkakadugtong ang Pasig River, Laguna de Bay at Manila Bay kapag nilinis ang Ilog Pasig ay kasama na ang mga nakatira sa gilid nito.
Gayundin kailangan din malinis ng husto ang mga estero at iba pang daluyan ng tubig.
Hindi aniya maaring tingi-tingi ang rehabilitasyon dahil tiyak na walang mangyayari dahil marami ng administrasyon ang nagtangka ngunit nabigo.
Sinabi pa ni Acuzar na may balak na gawing “tourist spot” ang Pasig River.
MOST READ
LATEST STORIES