Higit P.5-B halaga ng bigas, palay sinamsam ng BOC
Umabot sa P519 milyong halaga ng mga bigas at palay ang kinumpiska ng mga ahente ng Bureau of Customs matapos ang inspeksyon sa apat na bodera sa Bulacan kanina.
isinagawa ang inspeksyon isang linggo makalipas ang katulad na hakbangin sa ilang bodega sa naturang lalawigan, kung kailan halos P500 milyong halaga naman ng imported rice ang nadiskubre.
Isinagawa ang inspeksyon alinsunod sa kautusan ni Pangulong Marcos Jr., na paigtingin ang kampaniya laban sa mga sangkot sa smuggling at hoarding ng bigas.
Nakatanggap ng impormasyon ang kawanihan na may mga nakaimbak na mga bigas sa ilang bodega sa mga bayan ng Bocaue at Balagtas.
Kasama muli sa inspeksyon sina House Speaker Martin Romualdez, Reps. Erwin Tulfo, Mark Enverga at Ambrosio Cruz Jr.,
Inatasan ni Romualdez si Customs Comm. Bienvenido Rubio na ipakulong ang mga smuggler at hoarder sa katuwiran na ang ginagawa ng mga ito ay maituturing na karumaldumal na krimen.
“Rice found to be smuggled or hoarded should be forfeited in favor of the government, in favor of the people’s interest, for distribution or sale at a very low price,” ani Romualdez.
Muli din sinabi nito na ang mga nadiskubreng libo-libong sako ng bigas at palay ay patunay na sapat ang suplay sa bansa ngunit itinatago lamang para mapataas ag presyo sa pamilihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.