Nagharap muli sa Makati Prosecutor’s Office ang aktor na si Awra Briguela at ang naka-away nitong si Mark Christian Ravana.
Nangyari ang paghaharap ng dalawa sa preliminary investigation kaugnay sa mga reklamong light threats, grave coercion at paglabag sa Safe Spaces Act na inihain ni Ravana kay Briguela matapos ang rambol sa Bolthole Bar sa Barangay Poblacion, sa lungsod noong Hunyo.
Isinampa ang mga reklamo kay Briguela kay Senior City Assistant Prosecutor Arvin Amata.
Ayon kay Nick Nangit, abogado ni Ravana, hindi pa nila napag-uusapan ng kanyang kliyente na makipag-areglo sa kampo ni Briguela.
Itutuloy aniya ang preliminary investigation bukas dahil hindi nakarating ang isang testigo ng kampo ni briguela.
Kumpiyansa ang kampo ni Ravana na malakas ang kaso kontra kay Briguela, na naghain naman ng kontra reklamo.
Ayon kay Mikaelo Jaime Reyes, abogado ni Briguela, kasong paglabag sa anti-wire tapping law, slight physical injury at paglabag sa safe spaces act ang isinampa laban kay Ravana at isa pa nitong kasamahan kay Makati City Assistant Prosecutor Larry Cabero.
Ipinupunto ni Reyes ang ipinost na video ng kampo ni Ravana sa social media kung saan kinunan si Briguela habang nakakulong sa presinto.
Una nang kinasuhan si Briguela ng mga pulis-Makati ng slight physical injury at simple disrespect of public officials matapos tumangging magpa-aresto habang nagkakagulo