Batay sa 5AM weather forecast ng PAGASA, namataan ang LPA sa 465 kilometers east ng Borongan City sa Eastern Samar.
Sinabi rin ng weather bureau na nalusaw na ang isa pang LPA na namataan sa East Philippine Sea, Sabado ng gabi.
Samantala, ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may kasamang mahinang pag-ambon.
Mararamdaman naman ang katamtaman hanggang sa malakas na hangin sa kanluran ng Palawan at Western Visayas at maging sa timog silangan ng Luzon.
Paalala ng PAGASA, maging handa dahil posibleng mayroon nang pumasok na bagyo sa bansa sa susunod na mga araw.