SP Migz, Sen. Pia Cayetano may “Rotunda road rage” resolution

By Jan Escosio August 30, 2023 - 12:14 PM

SENATE PRIB PHOTO

Nais nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Pia Cayetano na maimbestigahan sa Senado ang panibagong “road rage incident” sa Quezon City  na kinasasangkutan ng isang dating pulis.

Inihain ng dalawa ang Senate Resolution 763 para makapagsagawa ng “inquiry in aid of legislation” ang kinauukulang komite sa naging asal ni Wilfredo Gonzales sa isang siklista sa Welcome Rotunda noong nakaraang Agosto 8.

Nabanggit sa resolusyon ang pagbaba ni Gonzales ng kanyang sasakyan, pananakit at pagkasa ng kanyang baril sa naka-alitan na siklista base sa viral video sa social media.

Bukod dito, laman din ng resolusyon ang pamimilit ni Gonzales sa siklista na makipagkasundo kahit siningil pa niya ito ng P500 dahil sa pagtapik sa kanyang sasakyan.

Ayon sa dalawang senador, seryosong insidente ang nangyari dahil may kaugnayan ito sa public order and safety.

 

 

 

TAGS: public order, Senate, public order, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.