Seryosong banta sa buhay at ari-arian ang banta ng super bagyong Goring habang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals 4 at 3 sa Batanes, kasama na ang Babuyan Islands.
Sa 5am bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa karagatan ng Sabtang, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 195 kilometro kada oras malapit sa gitna, na may bugsong aabot sa 240 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyon na Hilagang-Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Samantala, nakataas naman ang Signal No. 2 sa hilagang bahagi ng Cagayan (Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Claveria, Abulug, Ballesteros, Santa Ana, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga), at hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg).
Signal No. 1 naman sa natitirang bahagi ng Cagayan, Apayao, hilagang bahagi ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal), hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Malibcong, San Juan, Danglas, La Paz), natitirang bahagi ng Ilocos Norte, at pinakadulong hilagang bahagi ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan).
Paiigtingin ng bagyong Goring ang habagat at ito ang magpapa-ulan sa hilagang bahagi ng Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.