Imee sinabing price guide sa school supplies dinedma ng vendors

By Jan Escosio August 29, 2023 - 06:30 PM

SENATE PRIB PHOTO

Hinikayat ni Senator Imee Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) na dalasan ang pagsasagawa ng surprise inspections sa mga nagtitinda ng mga gamit pang-eskuwela dahil sa mataas na presyo.   Sinabi ni Marcos na nagtaas ng presyo ang mga nagtitinda sa kabila ng pagkakaroon ng price guide na inilabas ng DTI isang buwan na ang nakakalipas.   Puna ng senadora tumaas nang tumaas ang presyo ng mga gamit isang linggo bago ang pagsisimula muli ng mga klase.   Kumagat na aniya ang mga magulang maging ang mga guro para makumpleto na ang gamit ng kanilang anak at gamit sa pagtuturo.   “Inisnab ng mga tindera ang price guide,” ani Marcos sa pagtukoy sa “Gabay sa Pamimili ng School Supplies sa 2023 ng DTI>   Pagbabahagi niya sa monitoring ng kanyang opisina, ang mga notebook ay nagmahal sa P23 hanggang P60 mula sa dapat na P23 hanggang P52 lamang.   “Ilang magulang ang mismo nang nagsabi na wala rin silang nagawa kahit ipamukha sa mga tindera ang price guide ng DTI,” sabi pa ni Marcos.

TAGS: dti, Imee Marcos, Presyo, school supplies, dti, Imee Marcos, Presyo, school supplies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.