Bagyong Goring lumakas; Signal No. 3 nakataas sa Babuyan Islands

 

Bahagyang lumakas ang Bagyong Goring habang kumikilos sa kanluran hilagang-kanluran.

Base sa 5:00 p.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng bagyo sa 165 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang hangin na 165 kilometro kada oras at pagbugso na 205 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No.3 sa coastal waters ng Babuyan Islands.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa hilagang-silangan na bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Santa Teresita, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, Gattaran, Baggao, Peñablanca), natitirang bahagi ng Batanes, hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg), hilagang bahagi ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol).

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No.1 sa hilaga at silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano), natitirang bahagi ng Ilocos Norte, natitirang bahagi ng Cagayan, natitirang bahagi ng Apayao, hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Malibcong) at hilagang bahagi ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk).

 

Read more...